Lionel Richie, kabilang sa magtatanghal sa star-studded concert sa Buckingham Palace

Kabilang si US star Lionel Richie sa mga celebrities na nabigyan ng imbitasyon para sa koronasyon ni King Charles III.

Sa isang pahayag mula sa Buckingham Palace, isa sa magiging headline acts si Richie sa star-studded concert sa grounds ng Windsor Castle para sa coronation sa May 6.

Read More:  Regine announces free final major solo concert

Ang four-time Grammy Award-winning singer ay nakapagbenta ng higit sa 125 milyong albums sa buong mundo.

Read More:  Will Ashley says he and Mika Salamanca have grown closer

Noong 2019, siya ang naging unang global ambassador para sa Charles’s charitable Prince’s Trust na sumusuporta sa sa mga taong may edad 11- hanggang 30-taong-gulang upang maging maayos ang kanilang pamumuhay.//CA