Turistang covid-19 vaccinated posibleng irekumenda na payagang makapasok sa Puerto Princesa.

Malaki ang posibilidad na muling irekumenda sa Inter-Agency Task Force o IATF na payagan ang pagpasok ng mga turista sa Lungsod ng Puerto Princesa pero kailangan na ang mga ito ay fully vaccinated laban sa COVID-19.

Ayon kay City Administrator Atty. Arnel Pedrosa, hiniling na niya ito dati sa IATF na bukod sa bakunado ang turista ay kailangan din na negative sa RT-PCR pagdating at isailalim sa Antigen test sa lungsod at kung negative pa rin ang resulta ay saka pa lamang papayagan na tuluyang makapasok sa Puerto Princesa.

Read More:  DOH-XII records 277 new HIV cases in first quarter of 2026

“Dati may posisyon ako…na puwede tayong tumanggap ng bisita provided na sila ay bakunado, bisita I mean tourist. Tapos RT-PCR negative ng dumating sa Puerto tapos nag-test din sila [ng] Antigen at negative pa rin, puwede na sila dumating dito.”

“Kaya lang hindi na pursue yung ganung proposal, hindi ko lang alam kung i-brought out o i-raise ulit yung ganung issue…kung mapagbibigyan, pero maaari mapag-usapan yan.”  mga naging pahayag ni Atty. Pedrosa.

Read More:  Rider dies after crashing into trailer truck in Davao City

Base umano sa mga medical expert kapag ang isang tao ay kumpleto na sa bakuna laban sa COVID-19 ay mababawasan ang mas malalang epekto ng virus.

Samantala posibleng mapag-usap ng IATF at maikunsiderang payagan ito, lalo na’t malaki ang epekto ng pandemya sa sector ng turismo sa lungsod.