Tricycle driver, pinagbabaril-patay habang nagmamaneho sa Lucena City

Patay ang isang tricycle driver matapos pagbabarilin habang nagmamaneho sa kahabaan ng Maharlika Highway, Purok Happy Valley, Barangay Ibabang Dupay, Lucena City nitong Linggo, Abril 30.

Kinilala ang biktima na si Randy Arguiñoso Baldonado, 33-anyos, residente ng San Lorenzo Red V ng naturang barangay.

Read More:  Newborn baby found abandoned in Cebu without clothing

Ayon sa report, bandang alas 11:45 ng gabi, nagmamaneho noon ng tricycle ang biktima nang makailang beses itong pinagbabaril ng mga suspek na nagresulta sa agarang pagkamatay nito

Read More:  Man shot dead while riding motorcycle in Negros Occidental; Three suspects arrested

Samantala, ang mga suspek ay pinaniniwalaang dalawang lalaki na nakalulan sa isang pink na motorsiklo na namataan noon habang tumatakas.

Kasalukuyan ng nagpapatuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng awtoridad hinggil sa insidente.