Isang pasahero ng naaksidenteng van sa Barangay Irawan, namatay na- PNP

Namatay na umano ang isa sa naging pasahero ng naaksidente shuttle van matapos nitong mahagip ang poste ng PALECO sa South National Highway Brgy. Irawan, Puerto Princesa City nitong Linggo, April 30.

Ang nasawi sa Ospital ay si Jairus Ilao, 28y/o, male and employee of Philippine Business for Social Progress, ayon sa Police Station 2.

Read More:  Nearly entire church ceiling collapses in Maguindanao del Norte

Sa imbestigasyon, binabaybay ng van ang South National Highway mula sa Bataraza, Palawan patungo sa Poblacion ng Puerto Princesa.

Nang makarating ito sa pinangyarihan ay doon “nakaidlip” umano ang driver na si Steve John Agustin Y Magura, 40 anyos.

Read More:  Old school bus sunk off Cebu island to create artificial coral reef

Napasigaw umano ang isang pasahero nito ng “poste” kaya siya’y nagkamalay kaya sinubukan pa nyang i-kontrol ang manibela subalit nahagip nya pa rin ang poste ng PALECO sa gilid.

Dahil sa nangyari, nagtamo ng head injury ang mga pasahero sa likod na agad dinala sa isang private hospital.