Puerto Princesa City Water District, ipinaliwanag ang pagkawala ng tubig sa kabahayan

Humingi ng paumanhin ang pamunuan ng Puerto Princesa city Water District sa mga konsyumer nito sa lungsod dahil sa pagkawala ng tubig.

Ayon kay PPCWD General Manager Walter Juanitch Laurel, bago ang water interruption ay nagkaroon ng maintenance sa transition line sa Iwahig kung saan may pinalitan na linya ng tubig.

Read More:  Media groups rally behind journalist Marchel Espina over unjust vexation case

Ito raw ay hindi para hindi makaapekto sa montible source sa tubig mula sa montible river kaya kinailangan na palitan ngunit nagkaroon umano ng “air-block” kaya hindi agad naka-akyat ang tubig sa kabahayan.

Read More:  Live bullet and bullying note found inside Bacolod university

Gayunman, nilinaw ni Manager Laurel na wala pang water shortage sa ngayong sa Puerto Princesa.