38 mangingisda mula Quezon Province, nahuli sa Linapacan

Hinuli ang tatlumpo’t walong (38) mga mangingisda mula sa Quezon, Province, ayon sa Lokal na Pamahalaan ng Linapacan, Palawan.

Ang mga hinuli ay lulan ng labinwalong (18) pumpboat.

Ilegal umano ang pagpasok nito sa karagatan ng munisipyo  ngunit wala silang pahintulot sa LGU at walang fishing permit.

Read More:  American national shot dead while watching TV in Negros Oriental

Ayon sa pa LGU, nangamba ang mga mangingisda sa  ng Nangalao at Cabunlawan dahil sa kapansin-pansing pagdami ng mga dayong mangingisda sa karagatan ng Linapacan na nagiging banta sa food security ng mga residente.

Ang mga nahuling mangingisda ay iprinisenta ng Municipal Police Station kay Mayor Emil Neri at napag-alaman kung saan nagmula ang mga ito at ang kanilang mga bangka.

Read More:  Live bullet and bullying note found inside Bacolod university

Dahil umano sa pinaigting na kampanya laban sa illegal fishing, natatakot na daw ang mga mangingisda sa ibang kalapit na probinsya na mangisda sa karagatang sakop ng Linapacan dahil sa nakaambang kaparusahan.