Indonesia, niyanig ng Magnitude 7.3 na lindol

ITINAAS sa Sumatra Island sa Indonesia ang  tsunami warning matapos itong yanigin ng magnitude 7.3 na lindol, madaling araw ngayong Martes.

Batay sa meteorological department ng Indonesia, iniutos na nila sa mga local authorities ang pagpapatupad ng evacuation sa mga apektadong residente, gayundin ang abisong umiwas muna sa mga baybayin.

Read More:  Powerful 7.7 magnitude earthquake strikes Panama, prompts evacuations and flight suspensions

Hindi pa masabi ng mga otoridad ang pinsalang iniwan ng malakas na lindol dahil nagpapatuloy pa ang assessment.

Read More:  139 migrants, including 15 children, dead after boat capsizes off Djibouti

Taong 2004 ng huling maramdaman sa Sumatra ang magnitude 9.1 na lindol na kumitil sa buhay ng aabot sa 100,000 katao at sumira sa milyong halaga ng mga ari-arian.### JDR