PBA, niimbestigahan na ang pagkakasangkot ng ilang players sa game-fixing issue

Iniimbestigahan na ng Philippine Basketball Association ang pagkakasnagkot ng ilang players sa game-fixing issue noong 2017-2018 season.

Ito ay matapos isiwalat sa isang balaita sa Strait Times noong nakaraang linggo.

Ayon kay PBA Commissioner Willie Marcial, tututukan ng liga ang naturang isyu at sisikaping maresolba ito.

Sa ulat ng Straits Times ay ilan sa mga pinangalanang sangkot sa isyu sina Magnolia big man Ian Sangalang, Sergei Bien Orillo at Leonidez Zapata Avenido.

Isang Singaporean businessman umano ang sangkot sa isyu.

Pinangalanan Straits Times ang Singaporean na si Koa Wei Quan na dating may-ari ng isang transportation firm.

Samantala, nakatakda umanong gumawa legal na aksyon ang PBA player na si Ian Sangalang matapos madawit ang kanyang pangalan sa mga alegasyon ng game-fixing

Itinanggi ng Magnolia center ang anumang koneksyon sa Singaporean businessman.//CA