Mga estudyante sa Naga City nagtanim na ng mga puno bilang paglahok sa pag obserba ng Earth Day

NAGA CITY –Nagtanim ng mga iba’t-ibang uri ng punong-kahoy ang mga estudyante galing sa isang pribadong kolehiyo bahagi sa pag obserba ng Earth Day, kahapon Abril 23, 2023 ,  kaugnay pa rin ito sa nagpapatuloy na pagpatupad ng Forest in Our Program ng local na pamahalaan.

Kasama ng mga estudyanteng ito ay ang FOM Green Team, Engr. Dhan Cea ng City Environment and Natural Resource Office at ang ilang opisyal ng pribadong kolehiyo , sila ay nagtanim sa Sitio Almeda, Barangay Pacol at sa Sitio Cofradia, Barangay San Felipe.

Read More:  P136-M shabu hidden in Chinese tea bags seized in Cebu

Umabot ng 500 seedlings ang naitanim ng grupo sa naturang dalawang barangay.

Layunin nito ay maging bahagi ang mga estudyante sa hangarin ng lungsod na maging eco-conscious ang lahat.

Nakapanayam naman ng Brigada News FM Naga si City Councilor Jose Perez, ang chairman ng Arts, Culture and Tourism sa konseho at sinabi niyang malaking tulong ang mga ganitong mga programa sa kapaligiran.

Read More:  Two die after minivan crashes into house in Cebu

Ang mga pangunahing kalsada sa lungsod ay balak din nilang taniman ng mga kahoy tulad sa kahabaan ng Panganiban Drive hanggang sa Barangay Del Rosario.

May pondo na rin silang inilaan dito at pinoproseso na rin nila ang mga kinakailangang gawin.