Modified Palarong Bicol 2023, opisyal nang nagbukas kahapon

LEGAZPI CITY – Pormal nang binuksan kahapon, Abril 23, ang Modified Palarong Bicol 2023 sa Ibalong Centrum for Recreation (ICR) sa Brgy. Bitano, Legazpi City.

Pinangunahan ito nina Department of Education (DEPED) Bicol Regional Director, Gilbert Sadsad, ARD Bebiano Sentillas, Legazpi City Mayor Geraldine Rosal at iba pang mga opisyal.

Read More:  1,000 families affected as major fire hits Agdao, Davao City

Nagtipun-tipon ang mga delegado mula sa 13 mga Schools Division Office sa nasabing bulwagan upang makiisa sa pagbubukas ng programa.

Read More:  Six arrested in Leyte over alleged illegal diesel sale

Sa halip na tradisyunal na “saludo” o parada ng mga atleta, ang pagbubukas ngayong taon ay nagbigay-diin sa division cheer mula sa 13 SDOs na mga kalahok.

Samantala, ang mga aktwal na laro ay magsisimula bukas hanggang Abril 27.