Russian woman, hinatulan ng 21 taong pagkakakulong matapos lasunin ang kanyang kamukhang Amerikano

Hinatulan ng 21 taong pagkakakulong ang isang Russian woman dahil sa tangkang pagpatay sa kanyang kamukhang amerikano gamit ang poisoned cheesecake at pagnanakaw sa kanyang identity.

Si Viktoria Nasyrova, 47 anyos ay napatunayang nagkasala sa kasong attempted murder base sa desisyon ng Jury sa New York.

Nangyari ang insidente noong August 2016 matapos bisitahin ni Nasyrova ang tahanan ng kanyang 35-anyos na biktima na may dalang cheesecake bilang regalo.

Kinain ng babae ang dessert at nagsimulang makaramdam ng kakaiba sa kanyang katawan saka nawalan ng malay.

Sinuri ng mga law enforcement agencies ang cheesecake at nalaman na nilagyan ito ng Phenazepam, na isang highly potent sedative drug.//CA