3- katao, huli sa kasong Grave Coercion sa Narra, Palawan

Inaresto umano ng Narra PNP ang tatlong indibidwal na may kasong Grave Coercion sa Barangay Antipuluan, Narra Palawan ngayong Huwebes, ika-20 ng Abril 2023.

Ang mga ito ay sina RICHARD QUERON Y VENTURILLO a.k. a Jong, 35 anyos, Shyrman Sabando Y Palao, a.k.a Man, 36 anyos at si Ivy Shyrl Palao Sabando a.k.a “Ivy”, 34 anyos.

Read More:  409 more cops deployed in Bacolod as security for MassKara Festival tightens

Ayon sa Palawan Provincial Police Office, hinuli ang tatlo sa joint operation ng Narra MPS at iba pang law enforcement unit bitbit nila ang arrest warrant na pirmado ni Judge Melissa Grace Tanco Perola- Meregillano.

Read More:  Two passengers intercepted in Iloilo over suspected marijuana

Ang hukuman ay nagrekomenda sa kanila ng Php 36,000 bawat isa.