1Million reward, alok ni Gov. Pineda sa makakapag turo sa mga suspek sa pamamaril kay Atty. Tubig

Nag alok si Pampanga Governor Dennis Pineda ng 1 million pesos reward, sa sinumang makakapag sabi ng pangalan at lokasyon ng mga bumaril kay Provincial Legal Officer Atty. Gerome Tubig.

Sa inilabas na pahayag ni Gov. Pineda ngayong hapon, mariin nitong kinokondena ang pamamaril kay Atty. Tubig na naganap kaninang umaga sa harap ng VL Makabali hospital sa barangay Sto Rosario sa syudad ng San Fernando.

Read More:  15-year-old arrested in Cebu Buy-Bust with suspected shabu

Inatasan na rin ng gobernador si Pampanga Police Director Colonel Levi Hope Basilio na alamin ang motibo sa pamamaril at hulihin ang mga nasa likod at panagutin.

Read More:  BFP personnel arrested over alleged “slots-for-sale” scheme

Humihingi rin ng dasal ang punong ehekutibo ng lalawigan para sa agarang pag galing ni Atty. Tubig.