Pagharang di umano ng mga naka-motorsiklo sa dalawang dalagita, iimbestigahan ng ACTF

Iimbestigahan umano ng Anti- Crime Task Force sa Puerto Princesa ang ulat tungkol sa di umano’y pagharang sa dalawang dalagita sa bahagi ng Penro Road sa Barangay Sta. Monica.

Ayon kay ACTF Director Richard C. Ligad, nais nilang matunton at makausap ang mga dalagita at magulang nito para alamin ang totoong nangyari.

Read More:  41 women, including 10 minors, rescued in Cebu human trafficking operations

Sa inisyal na ulat, may dalawang edad 16 anyos na babae ang di umano’y inalok ng “rides” ng dalawang kalalakehan habang sakay ng isang motorsiklo (Bajaj) at topdown motorcycle sa bahagi ng Penro Road.

Read More:  Over ₱700,000 in gadgets stolen from Cebu shop, two suspects arrested

Nangyari di umano ang insidente sa pagitan ng alas-otso at alas-nwebe ng gabi ng Linggo, April 16.

Samantala, pinag-iingat pa rin ng Anti- Crime Task Force ang publiko sa masasamang loob.