Pamunuan ng JLGMH nagpaalala sa publiko na hindi pinapayagan ang pagdadala ng baril o armas sa ospital

Nagpaalala ang pamunuan ng James L. Gordon Memorial Hospital sa publiko na hindi pinapayagan ang pagdadala ng baril o anumang armas sa loob ng pagamutan.

Sa isinagawang flag raising ceremony ng City Government ay muling binigyang diin ni Hospital Chief Dr. Jewel Manuel ang patakaran.

Read More:  LTO-7 summons rider who spat on bus driver in Cebu

Ito ay matapos umanong magkaroon ng insidente kamakailan na mayroong isang law enforcer ang hindi pinayagang makapasok dahil may dalang baril.

Read More:  Policewoman, 3 others arrested in Davao Oriental cigarette sting

Ayon kay Dr. Manuel, makikita ngayon sa ospital ang nakapaskil na “No firearms allowed”, ito ay para na rin umano sa seguridad ng mga pasyente at empleyado.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO