3 alumni mula sa BU College of Arts and Letters, pasado sa Bar Examinations

LEGAZPI CITY – Tatlong dating mga mag-aaral sa Bicol University College of Arts and Letters ang ngayon ay abogado na.

Ito ay makaraang makapasa sila sa Bar Examinations ngayong taon.

Read More:  ₱5.97-M ecstasy seized from Nigerian national in Pampanga drug bust

Kinilala ang mga ito na sina Atty. Riza Blanca Laurio ng Bachelor of Arts in Journalism, batch 2009; Atty. Gino Paje mula sa kaparehong kurso, batch 2010; at si Atty. Zenith Abinal-Baria ng Bachelor of Arts in Broadcasting batch 2012.

Read More:  41 women, including 10 minors, rescued in Cebu human trafficking operations

Ang nabanggit na mga bagong abogado ay pawang nagtapos sa Print and Broadcast Media Department ng nasabing kolehiyo.