Ulan na bumagsak sa Naga City dahil sa Bagyong Amang , “extra ordinary” –  City Engineering Office

NAGA CITY –Tinawag na “extra ordinary “ ni Engineer Alexander Caning, head ng City Engineering Office ang nangyaring pagbaha sa lungsod na dala ng Bagyong Amang, noong nakaraang araw.

Sa paliwanag sa Brigada News FM Naga ni Engr. Caning ang volume ng tubig-ulan na naranasan sa lungsod ay para sa dalawa o tatlong buwan sa ordinaryong pag-uulan, subalit ibinagsak lamang ito sa loob ng isang araw.

Read More:  HBONI, DOST push science-based development in Himamaylan IP community

Inaasahan na aniya nilang babahain ang lungsod dahil sa walang humpay na pag-uulan kasunod na rin ng mga problema pa sa mga drainage canals.

Tulad ng dati ang mga drainage ay may mga lamang iba‘t-ibang klase ng basura at ang masaklap pa ay maraming mga waterlily na nakabara din sa labasan sana ng baha sa may bahagi ng Barangay Triangulo at Mabolo.

Read More:  Rider dies after crashing into trailer truck in Davao City

May mga waterlily aniya sa naturang lugar kaya hirap ding makalabas ang tubig baha, sabi pa ni Caning.

Nilinaw ng opisyal na “working” ang lahat ng mga drainage canal subalit dahil sa mga problemang nakita nilang ito ay nagka baha rin sa lungsod.