Ipinaliwanag ng Lokal na Pamahalaan ng Coron, Palawan ang sinisingil sa Busuanga Airport ng sa lahat ng mga bumibisita sa munisipyo.
Ayon kay Coron Mayor Mario Reyes Jr., ito ay para sa environmental fee at ‘worst case scenario’ tulad ng COVID-19 pandemic.
Dagdag nito, P200 ang singil sa adult at P150 sa minors.
Gagamitin daw ito ng Lokal na Pamahalaan para magkaroon ng modern landfill at iba pang may kinalaman sa environment subalit hindi pa ito naisasakatuparan dahil wala pang Environmental Compliance Certificate para dito.
Sa ngayon, nakatabi lamang ang koleksyon mahigit 2 milyong piso at hindi ginagastos ng LGU at mayroon naman resibo sa paniningil nito sa mga turista.
Sa kabilang banda, nilinaw ng alkalde na hindi maduming-madumi ang munisipyo kahit nasa tabing dagat ang kanilang kasalukuyang landfill.
Samantala, may target na umano na lugar ang LGU kung saan ilalagay ang modern landfill habang hinihintay nila ang NCIP clearance mula sa Indigenous Community.