Remulla nakipagpulong kay ex-Gov. Pryde Henry Teves

Nais lamang umanong mamuhay ng payapa ni ex-Gov. Pryde Henry Teves, ito ang sinabi ng dating gobernador sa isang pulong kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla.

Bagama’t hindi sinabi ni Remulla kung kailan naganap ang pagpupulong, sinabi niya na ito ay nasaksihan ng abogado ni Teves at mga kawani ng DOJ bago ang holyweek break.

Read More:  ICC prosecution drops one incident from Duterte case

Sa pagpupulong, sinabi ni Remulla na inulit ni Teves ang kanyang mga pahayag kaugnay sa waiver na kanyang pinirmahan.

Ang tinutukoy ni Remulla ay ang waiver na nilagdaan ng dating gobernador noong March 28, 2023, na nagpapahintulot sa DOJ na busisisiin ang  mga bank accounts ,  ma-access ang lahat ng kanyang phone records, call logs, mga mensahe at mga emails.

Read More:  PNP gives Sen. Bato one week to surrender over ICC arrest warrant

Ang dating gobernador ay nakababatang kapatid ni Negros Oriental Rep. Arnolfo Teves Jr., na tinaguriang mastermind sa pagpaslang kay Gov. Roel Degamo at sa pagpatay sa walong iba pa noong Marso 4.