WALA umanong makakatumbas sa galak na nararanasan nang isang pamilya sa Michigan, dahil sa wakas matapos ang 130 na taon, ang kanyang pamilya mula sa kanyang father side ay may kauna-unahang babaeng lahi na.
Ayon sa ulat, simula pa noong 1885, ang pamilya ni Andrew Clark, kahit na noong panahon pa ng kanyang great, great grandfather, hanggang sa kanyang tatay, sila ay mga kalalakihan, wala ni isang babaeng anak na naligaw sa kanilang family line.
Ngayong mayroon nang sariling pamilya si Andrew, nagkaroon din siya ng panganay na anak na lalake, kaya, siya at ang kanyang asawa ay hindi narin umasa pa na magkakaroon pa sila ng babaeng anak.
Subalit, si Andrew pala ang babali sa history ng kanyang angkan dahil sa hindi inaasahang pagkakataon ay nabiyayaan sila ng isang malusog at napakagandang anak na babae.
Hindi makapaniwala ang mag-asawa gayundin ang mga kamag-anak ni Andrew dahil sa pinaka-unang pagkakataon mayroon nang tila prinsesa na maituturing ang kanilang pamilya.###CD