SBMA CHAD naghain na ng courtesy resignation

Naghain na ng courtesy resignation si kasalukuyang Subic Bay Metropolitan Authority Chairman Rolen Paulino Sr.

Ito ay base sa inilabas na pahayag ngayong araw ng SBMA na epektibo umano ang resignation nito sa April 15.

Read More:  Seven vehicles crash in Davao City, leaving one dead and three injured

Sa pahayag ni Paulino, aniya ito ay para bigyang daan si Pang. Ferdinand Marcos Jr na makapili ng nais nitong mamuno sa SBMA.

Dagdag pa ni Paulino, bagamat nakasaad sa Republic Act 7227 na anim na taon dapat ang kanyang fixed term ay susunod ito sa anumang instruction ng Office of the President.

Read More:  Four missing after vehicle plunges into Tarlac River following Agana bridge collapse

Si Paulino ay na-appoint noong March 1, 2022 na siyang pumalit noon kay dating CHAD Atty. Wilma Eisma.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO