CAMARINES NORTE- Sabay-sabay na nag “I DO” ang mahigit 60 magkasintahan sa lalawigan ng Camarines Norte matapos magsagawa ng kasalang Barangay sa ilang bayan sa lalawigan
Ginanap sa Barangay Sta. Rosa Sur noong ika-28 ng Marso ang kauna-unahang Kasalang Barangay para sa taong 2023 sa Bayan ng Jose Panganiban.
Kung saan dalawampung pares ng magsing-irog ang sabay-sabay na nag “I DO” sa bisa ng seremonya ng kasal
Higit apatnapu naman na mga magkakasintahan ang pinag-isang dibdib noong ika-30 ng Marso, na mula sa iba’t ibang purok sa Gumaus, bayan ng Paracale
Laking pasasalamat naman ng mga ikinasal sapagkat nabigyan na umano ng katuparan ng LGU ang matagal na nilang pangarap na opisyal na pagiisang-dibdib.
Ang programang ito ay sa ilalim ng Family Enhancement Program na naglalayong maisulong ang kahalagahan ng kasal para sa isang matatag na pamilya.
PHOTO COURTESY: Public Information Office – Jose Panganiban
