Ikalawang batch ng PGCEAP payout sa lalawigan ng Camarines Norte, dinaluhan ng humigit-kumulang pitong-daang (700) mag-aaral

CAMARINES NORTE- Dinaluhan ng humigit-kumulang 700 mag-aaral ang ikalawang batch ng PGCEAP payout sa lalawigan ng Camarines Norte

Isinagawa ang payout ng ikalawang batch ng PGCEAP Tuition Fee Reimbursement, Allowances and Cash Incentives for Achievers ala-una ng hapon noong ika-30 ng Marso sa Camarines Norte Agro Sports Complex

Dinaluhan ito ng mga opisyales ng Provincial Government at ilan sa mga Board Member ng Sangguniang Panlalawigan.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Matatandaang isinagawa ang unang batch ng PGCEAP payout noong nakaraang buwan ng Pebrero.

Sa kabuuan, ang programa ay dinaluhan ng 930 grantees, 166 ang mula sa private colleges na tumanggap ng tig- P5,000 at P3,000 naman para sa 764 na grantees mula sa CNSC main at mga satellite campuses nito.

Read More:  Canlaon artisans adapt to calamities with limited materials, volcanic ash crafts

Kasama rin ang 102 achievers o mga dating CNPGCEAP grantees na bibigyan ng cash incentives ng Pamahalaang Panlalawigan bilang mga passers sa iba’t ibang licensure examinations. May kabuuang halagang P3,122,000.00 ang ipinamahaging tulong sa nasabing aktibidad.

PHOTO COURTESY: Engr. Joseph Villaverde Ascutia