NFA Bicol, kumpiyansang hindi magkakaroon ng shortage sa suplay ng bigas ngayong tag-init

LEGAZPI CITY – Sinisiguro ng National Food Authority (NFA) Bicol na hindi magkakaroon ng shortage pagdating sa suplay ng bigas ngayong tag-init.

Sa panayam ng Brigada News FM Legazpi kay NFA Bicol Spokesperson, Jahara Pavilando, sinabi niyang dahil umano ito sa mga interbensyong isinasagawa ng Department of Agriculture (DA).

Aniya, patuloy ang pagtutulungan ng lahat ng tanggapan ng NFA, kung saan, kapag may nalaman silang kakulangan sa suplay sa isang rehiyon, padadalhan ito mula sa rehiyong nakapag-procure ng maraming bigas sa kanilang lugar.

Read More:  NPA regional committee in Caraga collapses as remaining members surrender

Dahil dito, hindi umano kinakailangang mabahal ng publiko sa tag-init dahil hindi naman mawawalan ng suplay.

Katunayan nito, aniya, kabilang sa isinagawa ng DA ay ang pag-iintroduce ng mga hybrid na mga binhi ng palay, kung saan kapag itinanim, ay siguradong napakarami ng maaani.

Read More:  Woman rider suffers injuries after crashing due to stray dog crossing road in Aborlan

Maliban dito, kumpyansa rin ang ahensya na aabot pa ito hanggang sa susunod na taon.

Makakasiguro umano na patuloy ang pagprocure nila ng mga bigas mula sa mga magsasaka, at hindi naman sila tumitigil sa pagmomonitor sa kanila maging sa mga inaani.