NATUKLASAN ng mga opisyales ng tourism at antiquities ministry, nitong Sabado lang March 25, ng taong kasalukuyan ang hindi baba sa bilang na 2000 mummified heads ng mga tupa, aso, kambing at iba pa sa templo ng Ramses II sa sinaunang lungsod ng Abydos sa southern Egypt.
Ayon sa ulat, pinaniniwalaang mula pa ito sa panahon ng Ptolemaic period noong 305 hanggang 30 BCE kung saan mahigit tatlong siglo rin ang itinagal nito na kalaunan ay nahulog rin sa mga romano.
Ayon sa pahayag ng tourism at antiquities ministry, ang mga natagpuang mummified heads ay di umano’y mga handog para sa panata ng paggunita kay Ramses II ang pangatlong pharaoh ng ancient Egypt noong 19th dynasty kung saan ayon sa kanilang kalkula ay nangyare ito makalipas ang 1000 taon ng kamatayan nito.###CD