Tatlong “siga” umano sa Barangay Sicsican, tumiklop nang arestuhin ng Anti- Crime Task Force

Inaresto ng Anti -Crime Task Force ang tatlong kalalakihan na sangkot di umano sa pangugulo sa Parangue Road sa Barangay Sicsican, Puerto Princesa City.

Sa blotter ng barangay, kinilala ang mga inaresto na sina Romar Radoc 24 anyos, James Radoc, 20 anyos at Anthony Aguilar, 20 anyos.

Read More:  Army recovers firearm, IED after clash in Northern Samar

Bandang alas-syete ng gabi nitong Linggo, isinumbong sa Anti- Crime ang ginawa umanong pambabato ng tatlong lalaki at naabutan pa ng awtoridad na sila’y armado ng mga itak.

Pinagbantaan pa umano nila ang isang “Roy Remo” na mangyayaring hindi maganda sa oras na ito ay kanilang makita.

Read More:  Six arrested in Leyte over alleged illegal diesel sale

Nai-blotter din na isang nagngangalang “Kyl Ron” 20 anyos ang pinukpok sa mukha ng tatlong suspek.

Samantala, tutuluyan umano ng reklamo ng mga biktima ang tatlong kalalakihan.