Red Cross tuloy ang panawagan sa publiko na suportahan ang bloodletting activity

NAGA CITY – Nagiging regular na muli ang blood donation activity ngayon ng Philippine National Red Cross – Camarines Sur matapos mawala na halos ang COVID-19.

Kahapon nagkaroon ng aktibidad sa SM City Naga at marami-rami naman ang mga nag donate ng dugo.

Read More:  13 arrested in Cebu over P1.7M unregistered cooking oil

Nakapanayam ng Brigada News FM Naga si Tony Macatangay, na siyang in-charge sa bloodletting activities at nabanggit niya na marami pang schedules.

Read More:  Rider killed in suspected riding-in-tandem attack in Cebu

Batay sa kanyang pahayag, malaking tulong ang ginagawa ng mga barangay opisyal na siyang katuwang nila sa programa dahil sila na mismo ang nag iimbita sa Red Cross para magkaroon ng ganitong events upang makadugtong sa buhay ng iba.