Motorista, sugatan nang makabanggaan ang isang truck sa Puerto Princesa

Sugat sa mukha at galos sa katawan ang tinamo ng isang motorista nang makabanggaan nito ang isang truck sa National Highway ng Barangay San Pedro, Puerto Princesa City.

Ang biktima ay nakilala na si Eduardo Cacal 22 anyos habang ang drayber ng Isuzu Truck ay si Samuel Santillan.

Read More:  Death toll rises to six in Zamboanga del Sur crash

Sa inisyal na imbestigasyon, papunta umanong south direction ang motorsiklo habang patungo naman sa poblacion ang truck na may kargang mga produkto.

Read More:  17-year-old girl dies in drowning in Cebu as father raises foul-play concerns

Di umano ay pumasok sa linya ng truck ang motorsiklo dahilan ng aksidente.

Samantala, patuloy ang panawagan ng pulisya na ibayong pag-iingat ang isaisip sa tuwing hahawak ng manibela upang maiwasan ang disgrasya.