Isang amain, arestado dahil sa reklamong rape ng step-daughter

Arestado ang isang 35 anyos na lalaki sa Barangay San Miguel sa Puerto Princesa matapos ireklamo ng kanyang step daughter ng panggagahasa nitong gabi ng Martes, March 21.

Read More:  Four face charges after illegal horse fighting bust in Davao Occidental

Ang biktima ay isang katorse anyos.

Sa reklamo nito sa Police Station 1, nagsumbong ito dahil sa ginawang pang-aabuso sa kanya ng amain habang ang kanyang ina ay nasa ibang bansa.

Read More:  Grenade attack on military truck injures five in Maguindanao del Sur

Kaninang umaga ay naaresto ng mga tauhan ng Police Station 1 ang suspek na nahaharap na sa kasong Rape.