Empleyadong tinangay ang kita ng bakery sa Laurel, Batangas, wanted!  

Pinaghahahanap ngayon ng mga awtoridad ang isang lalaking tumangay umano ng kinitang pera ng kanyang pinagtatrabahuhang bakery sa Laurel, Batangas.

Kinilala ng Laurel Municipal Police Station ang suspek na si Arvin Garganera y Fernan, 27-anyos at residente ng San Vicente 2, Silang, Cavite.

Batay sa report, mismong nagtungo sa naturang himpilan ang biktima nitong March 19, 2023 upang isumbong ang ginawang pagnanakaw umano ng kanyang empleyado.

Read More:  Two NPA rebels surrender, arms cache recovered in Bicol

Ayon sa imbestigasyon ng mga awtoridad, noon pang ika-apat ng Disyembre ng nakaraang taon isinagawa ng suspek ang pagnanakaw sa naturang bakery.

Aabot sa P39,640 na halaga ng pera ang natangay ng suspek.

Read More:  Army seizes seven high-powered firearms from NPA in Caraga

Kinita ito ng nasabing bakery noong October 19 hanggang 22, 2022 at noong December 1 hanggang 4, 2022.

Isa sa katrabaho ng suspek ang nakasaksi sa ginawang pagnanakaw umano nito.

Nahaharap sa kasong Qualified Theft ang nakatakas na suspek.