Ranked no. 1 provincial most wanted person sa Albay dahil sa kasong rape, nahuli sa Ilocos Sur

LEGAZPI CITY – Nahuli na ng mga otoridad kahapon, Marso 20, sa Ilocos Sur ang tinaguriang ranked no. 1 provincial most wanted person ng Albay dahil sa kasong may kinalaman sa panggagahasa.

Nadakip ang akusadong si Gregorio Bobiles, Sr. y Basmayor, 69 anyos, residente ng P-1, Brgy. 10, Bacacay, Albay, ngunit kasalukuyang naninirahan sa Brgy. Carusipan, Cabuago, Ilocos Sur, sa pagtutulungan ng Cabugao MPS, Ilocos Sur PRO1 at Bacacay MPS ng Albay PPO.

Read More:  Father swept away by floodwaters in Batangas while trying to save wife and son

Batay sa impormasyon, ang akusado ay mayroong kasong panggagahasa sa menor de edad na walang piyansang inikeromenda; dalawang bilang ng kasong qualified rape by sexual assault na may PHP200,000 halagang piyansa bawat kaso; at dalawang bilang din ng kasong acts of lasciviousness na may PHP180,000 halaga ng piyansa bawat kaso.

Read More:  Passenger arrested after alleged bomb joke at Tacloban airport

Sa ngayon, pansamantalang nasa kustodiya ng Cabugao MPS ang akusado para sa dokumentasyon bago i-turnover sa Bacacay MPS para sa kaukulang disposisyon.