2 job fair activities ng PESO Legazpi, pinaplano na

LEGAZPI CITY – Pinagpaplanuhan na ng Public Employment Service Office (PESO) Lgeazpi City na magkakaroon ng dalawang job fair activities sa lunsod.

Ayon kay PESO Legazpi Manager, Diosdado Rañeses, susuportahan ni Mayor Geraldine Rosal ang planong magsagawa ng natuang aktibidad sa mga susunod na buwan.

Read More:  Four missing after vehicle plunges into Tarlac River following Agana bridge collapse

Isa sa mga siguradong job fair ay gaganapin sa buwan ng Agosto, kung saan isasama nila ito sa Ibalong Festival na taun-taong isinasagawa sa lunsod.

Aniya, nitong pandemya, hindi nagkaroon ng face-to-face na job fair, dahil sa mga restrictions na ipinatutupad, ngunit nagkaroon din umano ng online.

Read More:  Seven vehicles crash in Davao City, leaving one dead and three injured

Ang ikalawang job fair activity ay posibleng isagawa sa buwan ng Hunyo upang mapaghandaan ang mga bagong graduates sa kolehiyo.

Sinabi ng opisyal, inaasahan nito na sa gagawing aktibidad, maraming makakatanggap na trabaho, kung saan tataas din ang employment rate.