Nakaparadang motorsiklo, ninakawan ng isang gulong sa bayan ng Quezon

Hindi pinalampas ng magnanakaw ang isang gulong na nakakabit sa motorsiklo sa Barangay Alfonso XIII Quezon, Palawan.

Ang motorsiklo ay pagmamay-ari ni Ms. Maricel Burlas Mabayag na isang guro.

Read More:  ₱5.97-M ecstasy seized from Nigerian national in Pampanga drug bust

Ayon sa kanya, nakaparada lamang ang xrm motorcycle nitong gabi ng Sabado, March 18, 2023 sa harap ng legislative building habang sila’y nanonood sa basketball tournament.

Nang papauwi na sila ng kanyang anak ay bago nila nalaman na wala na ang motorsiklo ngunit natagpuan ito likod ng municipal hall at doon ninakawan ng gulong.

Read More:  Bystanders scramble for cover as exchange of gunfire wounds 4 in Himamaylan City

Samantala, ang insidente ay iniimbestigahan na ng Quezon Police.