Isang programa, inilunsad ng LTO upang mas mabilis na makapagreklamo ang publiko sa serbisyo ng ahensiya

Mas mapapadali na ang pagrereklamo sa serbisyo ng Land Transportation Office sa pamamagitan ng bago nilang programa.

Ito ay matapos na ilunsad kahapon ng ahensiya ang “Isumbong Mo Kay Chief” na magbibigay-daan sa publiko na maghain ng reklamo sa kanilang mga serbisyo online.

Read More:  DSWD Sec. Gatchalian denies wasted AICS funds despite COA findings

Kailangan lamang mag-scan ng QR Code ang mga users para ma-access ang mga online forms para sa kanilang mga reklamo at rekomendasyon.

Ang mga reklamo ay dadaan sa isang LTO operation center, na siyang aatasan na magproseso at magbigay ng feedback sa mga aksyon ng ahensya.

Read More:  Dela Rosa camp questions legal basis of ₱50 million reward

Aminado si LTO Chief Assistant Secretary Jay Art Tugade na malaki ang pagkukulang ng ahensiya at kailangang paigtingin pa ang kanilang customer service.

Napag-alaman na humigit-kumulang 1,000 reklamo ang natatanggap ng LTO araw-araw//CA