Coast Guard – nagpasaklolo sa US para ma-contain ang oil spill sa Oriental Mindoro

Bukas umano ang Philippine Coast Guard (PCG) sakali mang mag-alok ang China ng tulong para ma-contain ang paglawak ng tuamgas na langis sa Oriental Mindoro.

Sa isang forum, sinabi ni PCG chief Adm. Artemio Abu na ‘sino ba naman daw sila para tumanggi’ sakali mang mag-assist ang Chinese Coast Guard.

Kagunay nito, kinumpirma rin ni Abu na nagpasaklolo na rin sila sa Estados Unidos.

Read More:  Senators seek review of impeachment threshold for VP Sara Duterte

Bago ito, una nang nag-pledge ng tulong ang Japan at ang South Korea.

Mga apektado ng oil spill sa Oriental Mindoro, pumalo pa sa 19,000 pamilya

Lomobo pa sa 19,000 ang bilang ng mga pamilya na apektado ng oil spill mula sa lumubog na MT Princess Empress sa Oriental Mindoro.

Ayon kay Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian, na nagsimula na ang kanilang ahensya sa pamamahagi ng food packs para sa mga apektadong pamilya.

Read More:  TRB orders NLEX to explain prolonged traffic caused by flooding in Pampanga

Dagdag ni Gatchalian, magpapatuloy ang pamamahagi ng food packs ay isu-sustain hanggang sa makapalaot na ang mga mangigisda at magbalik sa kanilang kabuhayan.

Kaugnay nito, bibigyan din ang mga apektadong pamilya ng trabaho sa pamamagitan ng cash-for-work program, kung saan babayaran sila ng minimum wage sa loob ng 15-araw.
#