21 anyos na lalaki, arestado sa kasong may panggagahasa sa kamag-anak na menor de edad sa Daraga, Albay

LEGAZPI CITY – Arestado sa Purok 3, Barangay Salvacion, Daraga, Albay ang 21 anyos na lalaki na may kasong qualified statutory rape o panggagahasa sa kamag-anak na menor de edad.

Naaresto ang suspek na si alyas “Jomarie”, residente ng Delos Reyes St., San Lorenzo, Gapan City, Nueva Ecija, sa pamamagitan ng pinagsamang pwersa ng Darada MPS, RIU5 PIT Albay, CIDG Albay Provincial Field Unit at iba pang yunit.

Read More:  Canlaon artisans adapt to calamities with limited materials, volcanic ash crafts

Nahaharap ang suspek sa limang bilang ng nasabing kaso at walang inirekomendang piyansa ang korte para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Read More:  Davao City plans 20 new buses, digital tracking system

Napag-alaman din na ang suspek ay ang tinaguriang Rank 2 regional at provincial most wanted at Rank 1 municipal most wanted person ng Daraga.

Kasalukuyan na itong nasa kustodiya ng pulisya para sa kaukulang disposisyon.