PH nakatakdang magbigay ng humigit-kumulang PHP11 milyon financial aid sa Syria

Nakatakdang magpadala ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa pamamagitan ng Department of Foreign Affairs (DFA), ng humigit-kumulang PHP11 million financial donation at in-kind relief assistance sa Syrian Arab Republic matapos ang pagtama ng malakas na lindol noong Feb 6.

Read More:  Loren Legarda extends medical leave as Senate confirms absence

Sa direktiba ni Pangulong Marcos, inihayag ng DFA na ang mga ahensiya ng gobyerno ng Pilipinas ay magtutulungan para ipatupad ang mga naturang humanitarian commitment sa Syrian government.

Nauna nang nagpadala ang bansa ng 82-man Philippine Inter-Agency Humanitarian Contingent sa Türkiye upang tumulong sa response operation ng bansang naapektuhan ng lindol.

Read More:  Teodoro again rejects claims Philippines is a ‘trouble maker’ in WPS tensions

Ang lindol na tumama sa Türkiye at Syria ay nag-iwan ng hindi bababa sa 50,288 patay at 125,857 sugatan.//CA