Mga namamalimos sa bayan ng Roxas, dinampot ng pulis

Dinampot ng mga awtoridad sa pangunguna ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) ang mga badjao na namamalimos sa mga lansangan ng Roxas, Palawan.

Ayon kay Jaspher Bacuel ng MSWDO, umaga nitong Miyerkoles ay inikot ng mga tauahan ang Roxas upang sitahin ang mga namamalimos.

Read More:  Active police officer, former soldier arrested in Pangasinan gun sale

Kaugnay ito sa mga reklamo mula sa mga karenderya, na ipinaabot sa MSWDO ng mga may-ari.

Dagdag pa ni Bacuel, ito ay pagpapatupad na rin ng PD No. 1563 o ang Anti-Mendicancy Law.

Read More:  Delivery rider dies in Cebu motorcycle-dump truck crash

Samantala, hindi umano nagkulang ang tanggapan na magbigay ng ayuda sa mga badjao, katunayan umano sila pa ang inuuna sa mga programa.