Cambodian opposition leader , hinatulang makulong ng 27 taon dahil sa kasong treason

Hinatulan ng 27 taong pagkakakulong ng korte ang Cambodian opposition leader na si Kem Sokha dahil sa kasong treason.

Ayon kay Judge Koy Sao ng Phnom Penh court, sinentensiyahan ang lider dahil sa paratang ng pakikipagsabwatan sa mga dayuhan na ginawa sa Cambodia at iba pang mga lugar.

Read More:  139 migrants, including 15 children, dead after boat capsizes off Djibouti

Ang 69-taong-gulang na si Sokha ay joint founder nang ngayo’y na dissolved ng Cambodia National Rescue Party.

Matapos ang hatol, agad na dinala si Kem Sokha sa kanyang tahanan, kung saan siya ilalagay sa ilalim ng house arrest at pinagbawalan na makipagkita sa sinuman maliban sa mga miyembro ng pamilya.

Read More:  Spain’s housing crisis emerges as key issue in snap election

Inalis din ng korte ang kanyang karapatang bumoto at pinagbawalan siyang tumakbo sa anumang posisyon sa pulitika.//CA