6-yr old na batang lalaki sugatan matapos barilin ng 4-yr old sa Canada

Isang anim na taong gulang na batang lalaki ang dinala sa ospital matapos mabaril ng kanyang apat na taong gulang na kaibigan sa isang Indigenous community sa lalawigan ng Manitoba sa Canada.

Read More:  At least 33 killed as school roof collapses in northern Pakistan

Ayon sa Royal Canadian Mounted Police, ang dalawang bata ay nasa isang bahay sa Peguis First Nation, nang magkaroon sng access sa isang baril.

Sinubukan umanong i-discharge ng 4-yr old na bata ang baril at tumama sa biktima.

Read More:  Catholic priest killed after large crucifix falls on him during Mass in Ecuador

Isang lalaking nasa hustong gulang ang inaresto at nahaharap sa kasong unlawful storage of firearms. Nasamsam din ang limang baril at isang pana.//CA