Isang pares ng sapatos, narekober sa posibleng crash site ng nawawalang air ambulance sa Balabac Palawan

Nakarekober ang MDRRMO Rescue volunteers Team 3 sa Balabac ng isang pares ng sapatos na hinihinala ngayon na pagmamay-ari ng isa sa limang (5) sakay ng nawawalang chopper ng PAMAS.

Ayon kay MDRRMO Chan Alsad, nitong Huwebes, March 2, 2023 bandang alas-tres ng hapon ay nakita ang sapatos sa pagitan ng “Pink Island” at Lumbucan Island sa Balabac.

Read More:  Dumanjug Mayor’s driver’s license suspended for 90 days after viral crash in Cebu

Sa pagtatanong sa mga residente ng Mangsee, Balabac, ang sapatos ay nakita di umano nilang suot-suot ng Nurse na si JANELLE ADLER bago ito umalis ng Isla noong Miyerkoles.

Gayunpaman, wala pang kumpirmasyon mula sa pamilya ng Nurse na ito ay kanyang pagmamay-ari.

Read More:  Mother killed in alleged stabbing by son in Cebu

Kahapon, March 2, unang narekober ng Coastguard ang isang Gas tank habang narekober din ng MDR rescue volunteers’ team Mangsee ang isang unan na hinihinala rin na konektado sa nawawalang air ambulance ng PAMAS.

Sa ngayon, naka-standby ang rescue team para ituloy ang paghahanap sa mga nawawala.