Negros Island bill pasado na sa 2nd reading sa Kamara

Pasado na sa ikalawang pagbasa sa Kamara ang Negros Island Region bill.

Ayon kay Rep. Jose Francisco Benitez ng ikatlong distrito ng Negros Occidental, umaasa siyang maipapasa na rin ito sa ikatlo at huling pagbasa.

Read More:  PNP identifies two suspects in Mima Alicia killing

Ang House Bill 7355 ay bahagi ng isang omnibus motion para aprubahan ang ilang lokal na panukalang batas sa calendar of business ng Kamara kahapon.

Ayon sa panukala,  ang NIR ay bubuohin ng Negros Oriental, Negros Occidental at Suquijor kasama ang Bacolod City.

Read More:  Tarriela condemns Chinese media’s ‘monkey’ video allegedly depicting the Philippines

Isang NIR technical working group ang bubuohin upang magbigay ng rekomendasyon sa Office of the President kaugnay ng institutional arrangement at itatayong regional offices ng iba’t ibang ahensya.//CA