Lalaki, patay sa pamamaril sa Tanauan City, Batangas

Patay ang isang lalaki matapos na pagbabarilin ng dalawang hindi pa nakikilalang mga suspek sa  Brgy. Boot, Tanauan City, Batangas.

Kinilala ng Tanauan City Police Station ang biktima na si Nolasco Bucad y Mendoza, 57 anyos at residente ng naturang barangay.

Read More:  Live bullet and bullying note found inside Bacolod university

Ayon sa imbestigasyon, dakong alas-8:00 kahapon ng umaga, Pebrero 27, 2023, habang sakay sa kanyang motorsiklo ang biktima ay pinagbabaril ito ng mga suspek.

Tinamaan ito ulo at sa iba’t-ibang bahagi ng katawan na naging dahilan ng kanyang agarang kamatayan.

Read More:  Police captain killed in shooting inside Capiz KTV bar

Agad na tumakas ang mga suspek dala ang hindi pa nalamang uri ng armas.

Iniimbestigahan na ng mga otoridad ang motibo sa pamamaril.