Mga residente at junkshop pinag-iingat sa kalakal kasunod ng pagkakadiskubre ng isang vintage bomb sa Milaor, Camarines Sur

NAGA CITY – Pinag-iingat ng PNP ang mga residente gayundin ang mga Junkshops sa mga kalakal kasunod ng pagkakadiskubre ng isang Vintage Bomb sa Borongborongan Milaor, Camarines Sur.

Napag-alaman ng Brigada News FM Naga kay PCPT Zuzete Pili, Chief of Police ng Milaor MPS, isang Vintage Bomb ang kanilang nadiskubre nang nagdaang linggo matapos na iparating ito sa kanila ng isang Junkshop sa Barangay Borongborongan, kung saan sa pagberepika ng Provincial Explosive and Canine Unit 5 ng Police Provincial Office ng Camarines Sur, isa itong 60 Millimeter Mortar.

Read More:  Woman rider suffers injuries after crashing due to stray dog crossing road in Aborlan
Read More:  Ancestral domain application in Negros filed in 2005 wins NCIP approval

Panawagan ng opisyal sa publiko, kaagad na ipagbigay alam sa mga otoridad kung makakita ng ganitong bagay dahil maaari itong sumabog anumang oras.

Ang naturang bomba ay na-edetonate na ng Provincial Explosive and Canine Unit 5 o PECU ng nagdaang araw.