Kasalang Jomary at Abby Viduya magaganap sa Las Vegas

Magaganap sa buwan ng Hunyo ngayong taon ang kasalan ng magkasintahang Abby Viduya na kilala din sa pangalang Priscilla Almeda at Parañaque 1st District Councilor Jomari Yllana.

Sa isang panayam, sinabi ni Abby na magaganap ang kanilang unang kasal ni Jomari sa Las Vegas , Nevada sa pamamagitan ng civil union at sa susunod na taon naman sila ikakasal sa simbahan sa Pilipinas.

Read More:  Yeng Constantino gives fans a glimpse of dream house with husband Yan Asuncion

Bago ang planong kasal, namanhikan si Jomari sa pamilya ni Abby sa tahanan nila sa Parañaque.

Read More:  Lani Misalucha mourns passing of older sister May Bayot-de Castro

Kasama ni Jomari sa pamamanhikan ang anak na si Andre Yllana, kapatid na si Ryan Yllana at asawa nitong si Jean, at ina nitong si Vicky Yllana.//CA