18 na katao, huli sa tupada sa Puerto Princesa

Arestado ng pulisya ang labingwalong (18) katao sa Purok Sta Fe, Barangay Bacungan, Puerto Princesa City dahil sa iligal na pagsasabong o “tupada” nitong Linggo ng tanghali, ika- 26 ng Pebrero 2023.

Read More:  2 dead, several injured as century-old mango trees crush Davao homes

Ayon sa Police Station 2, karamihan sa mga nahuli ay taga- barangay bacungan pero hindi na nila nagawang makatakas sa kapulisan matapos na makorner.

Kinumpiska sa kanila ang mga ebidensya tulad ng anim na piraso ng gaffing knife, apat na sugatang manok at pampusta na aabot sa 4,812.00Php.

Read More:  PDEA, police dismantle alleged drug den in Davao del Sur

Ang mga nahuli ay agad na dinala sa PS2 at sinampahan ng paglabag sa Presidential Decree 1602.