Ifugao nakatakdang mag host ng Laro ng Lahi sa Mayo

Nakatakdang mag host ng Laro ng Lahi sa darating na May 26 hanggang 29 ang provincial government ng Ifugao.

Nagsagawa na ng ocular inspection at coordination meeting ang Philippine Sports Commission sa pamamagitan ng Women in Sports program nito kasama ang Office of Provincial Governor noong February 17.

Read More:  Carlos, Karl Eldrew Yulo to lead PH Gymnastics Team in 2026 Asian Games

Kabilang sa isasama ng PSC-WIS sa laro ng lahi ang muay, weightlifting, boxing, taekwondo at wrestling na iminungkahi ng lalawigan. Ito ay upang matulungan ang LGU na mas mapaunlad ang kanilang grassroots sports program.

Read More:  Team Philippines eyes bigger Gold Medal Haul in Aichi-Nagoya Asian Games

Kabilang rin sa Laro ng Lahi sportsfest ang 10 indigenous games ng Ifugao kagaya ng guyyudan, kadang-kadang sa bao, dopap dimanuk, munbayu, uggub, at iba pa.//CA