Tower building ng isang mall sa Legazpi City, nasunog

Ligtas at walang nasugatan sa nangyaring sunog sa Tower Building 1 Fire Exit ng isang mall sa Zone 1 Barangay Bitano, Legazpi City.

Ayon sa report, hapon nang makatanggap ng impormasyon ang Bureau of Fire Protection (BFP) Legazpi at Philippine National Police (PNP) Legazpi tungkol sa insidente.

Read More:  29 students affected by suspected food poisoning at Davao del Norte School

Agad namang pinuntahan ng mga tauhan ng BFP ang lugar upang apulahin ang nasusunog na gusali.

Read More:  Senior Citizens in Gensan find fun, fitness in Pickleball

Sa ngayon ay inaalam na rin nila ang naging halaga ng pinsalang dulot ng sunog sa lugar at maging ang PNP Legazpi ay nagsasagawa na rin ng imbestigasyon ukol sa nabanggit na insidente.