PH, magde-deploy ng six-man team sa Syria para tulungan ang mga Pilipino at iba pang apektado ng malakas na lindol

Magde-deploy ng six-man team ang Pilipinas sa Syria sa pamamagitan ng Damascus para tulungan ang mga Pilipino at iba pang apektado ng malakas na lindol doon.

Read More:  Prosecutor Terry Ridon gets stern warning over alleged sub judice violation

Ayon kay Department of Foreign Affairs Undersecretary Eduardo Jose De Vega , mayroong 60 mga Filipino ang naapektuhan ng lindol sa Syria habang 248 Filipino ang naapektuhan ng lindol sa Turkey.

Read More:  Philippines ranks No. 1 again in global disaster risk

Noong nakaraang linggo, nagdeploy ang Pilipinas ng team na kinabibilangan ng disaster response specialists at healthcare workers sa Turkey.

Hindi bababa sa 2 Pilipino ang kumpirmadong nasawi sa lindol habang ang pangatlong Pilipino ay nananatiling nawawala.//CA