PHP74B halagang pondo, ibinaba para sa 2023 infrastructure projects ng DPWH Bicol

Kinumpirma ng Department of Public Works and Highways (DPWH) Bicol na mayroong aabot sa PHP 74B halaga ng pondo ang ibinaba sa kanilang tanggapan para sa mga proyektong pang-imprastraktura.

Read More:  Live bullet and bullying note found inside Bacolod university

Sa panayam ng Brigada News FM Legazpi kay DPWH spokesperson Lucy Castaneda, sinabi niyang para ito sa 1,180 na mga proyekto sa buong rehiyon.

Lahat umano ng mga proyektong ito ay kinakailangang maisagawa at matapos sa peryodong itinala lamang ng ahensya.

Read More:  Army seizes seven high-powered firearms from NPA in Caraga

Nilinaw rin niyang nagbibigay naman ng konsiderasyon ang DPWH kung mayroon man silang mga justifiable na dahilan.